"Purity is the opposite of integrity the cruelest thing you can do to a person is make her ashamed of her own complexity. The stories of our lives have no morals. Any single conclusion drawn would be false; the episodes, taken together, are untranslatable, incomparable. If we are to conclude at all, we can only conclude against conclusions." -an excerpt from Fighting For Our Lives

Home

MEMOIRS OF KLITORIKA … the book grab a copy now!

July 8, 2008

 

Posted by klitorika at 5:28 pm | permalink | Add comment

I love this photo!

May 17, 2008

 

Posted by klitorika at 9:53 am | permalink | Add comment

Free love meron ba nun?

What is FREE LOVE? Nakakain ba ito? Nabibili ba ito sa tindahan sa kanto? Mahirap ba itong hanapin?

 Madalas ko itong marinig sa mga kaibigan at kasamahan ko. Pero sa nakikita ko marami sa kanila o sa mga taong nag-aadvocate ng ganitong paniniwala ang hindi naisasabuhay o napapanindigan ito.

Ang pakikipagtungali laban sa “logic of submission” o ang pagsunod sa idinidikta ng lipunan ay maisasakatuparan lamang ng isang indibidwal kung magagawa niyang isabuhay o sundin ang kanyang mga nasa o naising relasyon maging ito ay ang tinatawag nating open relationship, homosexuality, heterosexuality, bisexuality o kung ano ano mang relasyon na makapagbibigay sa kanya ng kaligayahan o satisfaction.

Naalala ko tuloy ang isa kung dating kaibigan na ngayon ay itinuturing yata akong kaaway, sa kanya ko unang narinig ang salitang ito noong panahong laman kami ng Luneta, sabi niya free love daw sya… at bilang isang lalaking ipinagsisigawan sa kabuuan ng Luneta ang kanyang pilosopiya dumating ang panahong bigla atang nabasag ang paniniwala niyang ito.

Minsan kasi dumaan sa tambayan namin ang babaeng itinuring niyang espesyal sa kanya na may kasamang ibang lalaki at dahil alam naming bukas siya sa mga bagay na ganito sinubukan naming obserbahan ang magiging reaksyon ng lalaking nag-aadvocate ng “free love” kuno at syempre pa biglang natahimik sa isang sulok ang lalaking ito na para bang gusto niya nang maglaho na lamang parang bula ng mga panahong iyun.

Sa totoo lang mas madaling sabihin at paniwalaan ang ideyang ito keysa isabuhay, malaki ang pagkakaiba ng paniniwala sa pagsasabuhay dahil kadalasan ang paniniwala ay nabibigyan lamang ng hustisya kapag ito ay naranasan at napanindigan ng isang idibidwal.

Ako at ang partner ko alam kong meron kaming “silent agreement” ng isang bukas na relasyon, maari ring tawaging free love ang arragement na ito at ito ang dahilan kung bakit ayaw pa rin naming magpatali sa seremonyas ng “kasal” maging sa huwes.

Nangangahulugan ito na malaya kaming magkaroon ng anumang relasyon sa mga taong nais naming makarelasyon maging ito man ay sekswal o kung anuman na magbibigay sa amin ng kaligayahan o satisfaction. Syempre kahit hindi namin pinag-uusapan nangangahulugan din ito na mananatiling sekreto namin sa isat-isa ang mga relasyon at kung anumang adventure meron kami sa labas ng aming pagsasama.

Kaya lang minsan, bilang nagsasama sa iisang relasyon hindi pa rin maiaalis sa atin ang curiosity hingil sa mga naging karelasyon o nakasama ng ating partner. Hindi naman sa pagiging paranoid o possessive pero hindi maiiwasang mag-usisa tayo sa mga bagay na alam nating hindi na natin dapat pang alamin.

Kaya naisipan kong buksan ang ganitong usapan noong nakaraang gabi, napagkasunduan naming magbigay ng tatlong katanungan sa isat-isa na sasagutin naman namin ng buong katapatan. As in the whole truth and nothing but the truth…syempre ang unang tanong ilan na ang mga naging karelasyong sekswal ng bawat isa sa amin sa loob limang taon naming pagsasama, sumunod kung sinu-sino ang mga tao o nilalang na ito at ang pangatlo pano naganap.

O diba nakakaloka? Pero sa totoo lang nag-enjoy kaming dalawa sa laro naming iyun, minsan masarap pa rin talaga sa pakiramdam ung nailalabas mo ang mga sekretong matagal mo nang itinatago, hindi naman dahil sa natatakot ka…iyun bang tipong itinago mo lang dahil hindi naman na dapat pang pag-usapan o wala lang…parang ok fine I did it again…so what?

Ang nakakatuwa pa wala kaming naramdamang galit o selos sa isat-isa, minsan nagulat lang ako nang malaman kong nagkaroon siya ng sekswal na relasyon sa mga taong hindi ko inaasahan at ganun din naman ang naging reaksyon niya. Narealize tuloy namin na wow ang dami ko palang hindi alam sayo huh? Para tuloy lagging may bagong dapat tuklasin sa aming pagkatao dahil sa ganitong arragement.

At least hindi kami mabobored sa isat-isa diba? Hindi katulad ng mga relasyong nagsisikap na maging exclusive to the extent of betraying themselves sa arragement naming, mas nabibigyan naming ng kalayaan ang bawat isa.

Naiiwasan din naming ang guilt sa sarili at lalong napapamahal kami sa isat-isa dahil alam naming wala na kaming makikitang kapareha na magbibigay sa amin ng tunay na kahulugan ng pag-ibig… ang pagiging Malaya.

Habang nabubuhay tayo patuloy ang ating pagtuklas, sa ibat-ibang level ng tinatawag nating pag-ibig. Minsan hindi natin alam kung ano nga ba ang damdaming lumukob sa atin sa bawat oras na may makilala tayong nagdudulot ng kaba sa puso, at pitik sa mga sensitibong ugat na nasa pagitan ng mga hita natin.

Pag-ibig o Pagnanasa?

 

Posted by klitorika at 9:41 am | permalink | Add comment

Visit TBAC and Vote for Klitorika

May 16, 2008


THE BLOG AWARD CHALLENGE VOTE FOR ME


Posted by klitorika at 9:26 am | permalink | Add comment

Sex is Comedy!

May 15, 2008

 I love this movie! Dont miss it guys!

Posted by klitorika at 12:43 pm | permalink | Add comment

the awakening

I put my arms around him yes and drew him down to me so he could feel my breasts all perfume yes and his heart was going like mad and yes I said yes I will Yes.-

James Joyce, Ulysses

 

 

Posted by klitorika at 12:16 pm | permalink | Add comment